Monday, December 04, 2006
No more Kaching-Kaching... $_$
Definition of terms:
Kaching-Kaching = sound of coins
...............................= kapag nasilaw ang isang tao sa pera, maririnig niya ang tunog na ito
Today, pumunta kami sa Ortigas para umattend ng isa ng orientation (
kuno). Ako, si Lau, si Kawichi, at yung friend nila na si Ronnie na doon na raw nagwowork. Pumunta kami dun with the dollar sign sa aming mga mata, as in parang ganito ---> $_$, pero umuwi kami ng luhaan. Wahahahaha!
Ang sabi sa amin, parang call center daw yung nature ng work, 12 hours a day, flexi-time pa raw, at higit sa lahat, P10,000 ang sweldo. Talagang nag kaching-kaching ang aming mga mata nung narinig namin 'to. Not bad. Aba! P10,000, tapos kami pa pipili ng sched, GO NA! Kaya pumunta nga kami kanina.
Nag-meet kami sa powerbooks sa Megamall. Kaunting lakad na lang papunta dun sa building. Sa tuktok ng building, nakalagay yung TELEPERFORMANCE. Wow! Call canter nga. Pero hindi pala! Sinalubong kami ng isang girl from UST daw siya st Psych major. Hindi ko maalala yung name niya kaya tawagin na lang natin siyang
Rich Kid. Bakit Rich Kid? Ganito kasi 'yan. Pag dating namin, sabi niya we look young daw, mukha naman daw hindi namin kailangan ng pera, blah-blah-blah... at mukha daw kaming RICH KID. May dumating na mag-oorientation din, at sinabi niya rin yung mga sinabi niya sa amin. Kaya nalaman na lang namin na naka-TEMPLATE pala lahat ng sinasabi niya.
Basta natapos na yung orientation (kuno). To make the long story short, hindi pala call center yun. Ang tawag sa company, PHARMANEX, at hindi pala kami sasagot ng telepono or whatever, kundi MAGBEBENTA! Oo mag-bebenta kami, yung parang AVON, Sara Lee, Natasha, Board Walk, Tinapa, Taho, Bote, Diyaryo at kung ano-ano pa. Kunwari pang Distributor yung term, pero ang totoo, magbebenta lang kami ng kung ano-anong gamot, supplements, vitamins, at ng isang BIOPHOTONIC Scanner. Para masimulan yung training, kailangan lang naman magbayad ng P12,600. Ano kami? Mayaman?! Hala! Dito na talaga kami nag-backout. Please lang! San namin kukunin yun. Mamatay muna sila. Pagkatapos nun umuwi na lang kami, at binura na namin sa isipan namin ang pag-asang mag Kaching-Kaching pa!
Lesson Learned:
Wala na talagang easy money ngayon! Kung gusto mong mag Kaching-Kaching, pagpawisan mo, kailangan dumanak muna ang dugo. Siguro, sa susunod na kami mag-tatrabaho. Mag-aaral muna kami ngayon. Thesis muna, tapos Graduation, at tapos nun dun na kami magtatrabaho. Hahaha! Bye-Bye Kaching-Kaching na talaga. See You soon. Makakamit ka rin namin someday! 'Wag ka lang maiinip dahil malapit na!
Pogssz
11:09 PM |
