Monday, March 17, 2008
D-DAY!!!
TAPOS NA KO MAGDEFENSE!
Sabi ni Sir Henson, sure na akong makaka-GRADUATE.
Yun lang...
Simple lang! bakit?
Thank you Sir Henson. Hindi niyo ko iniwan.
Thank You Sir Burn for being extra good. Kahit hindi masyadong halata. Ako lang ang naglakas loob na itaya ang kinabukasan ko at kunin kayong panelist. Hindi ko naman pinagsisihan yung desisyon ko, kahit feeling ko nakikipag-debate ako sa inyo, at lahat ng sinasasabi ko may rebuttal kayong handa.
Thank you Ma'am Pulumbarit. Sobrang bait niyo po, at salamat din dahil kayo ang naglilinaw kung medyo lost ako sa mga sinasabi ni Sir Burn.
Thank you TRIPOD.
Thanks Lau and Shane sa pagbili ng food ng panelists ko. Salamat at hindi niyo ko pinabayaan. Ahoooo!
Thank you Starbucks para sa pagkain ng panelists ko.
Thanks everyone!
Thanks churchmates.
Thank you Lord.
Acknowledgement ang drama???
Congartulations din sa mga sumusunod na tao:
Dharlene na naka-LCD Projector pa ang presentation.
Alfie, kaya natin talaga 'to, kung nakakalusot nga yung mga bobo... Ahahaha!
Miah, running for best thesis. Hihintayin namin ang pakain!
Laurence, flawless ang presentation, hindi na nagtanong ang panelists.
...gayon din sa Mga Bering-Babies
Bianca, narinig ko ang isa mong panelist. Grabe siya, at naging consistent siya buong araw.
Reg, ahoooo! Tapos na!
Nikko, na naka-text brigade pa ang araw ng defense.
Anton, na bume-best thesis din.
Arra, na biktima din nung isang panelist.
Dean, umalis na kami kaya wala na kong narinig... Alam namin kaya niyo ni Arra yun.
Sa lahat ng mga nag-defense na, at naghihintay pa ng araw ng defense,
CONGRATS TO ALL OF US!!!
... BACK TO REALITY!!!!
REVISE... REVISE... REVISE...
Pogssz
6:57 PM |
Saturday, March 15, 2008
Panaginip
2:30am na. Kagigising ko pa lang. Ang sabi ko sa sarili ko, tatapusin ko na yung mga kailangan ko sa defense, para pagpunta ko sa church mamaya, free na ko sa worries. But I can't help myself, last na 'to, tapos isasara ko na 'tong firefox at i-ooff ang internet connection namin.
Nanaginip ako kanina, sa ikli ng tulog ko, I still managed to have two dreams-- Two totallly different dreams, both about my thesis defense.
Yung una kong panaginip ay masayang panaginip. Nagdefense daw ako, ang panel ko si Ma'am Adeva at si Pulumbarit. Pagkatapos ko daw magdefense ang tangi nilang tanong ay:
Mr. Labrador, ano nga ulit ang definition mo ng Nonprofit Organizations?
Siyempre nasagot ko daw. Tapos, OK na yung defense ko. Ni-hug ko daw yung mga friends ko, teary eyed pa and all.
Let's now move on to my second dream. Itong panaginip na ito ang gumising sa akin.
NAGDEFENSE DAW AKO NANG HINDI PREPARED! Walang powerpoint, walang cue cards, walang kahit ano!!! Kinausap ko daw si Sir Henson, nakiki-usap na paunahin na si Dhang dahil hindi talaga ako prepared. Ang mga panelists ko pa daw ay si Adeva at si Salazar. Nagdiscuss daw ako sa harap nila na hawak ko pa yung draft ng thesis ko, na tila nagsasalit ng mga bagay na walang ka-sense sense. Ayaw pa daw ibigay ni Sir yung draft ko kasi yun lang yung copy niya. Pumunta na lang daw ako dun para magkalat. Sa huli natapos din ako mag-explain. Nang magsimula ng magtanong ang mga panelists ko... Naiyak na lang daw ako sa harap nila. Sa huli daw si Ma'am Salazar na ang nagdiscuss ng topic ko. Kumuha siya ng chalk at gumawa ng model na nageexplain ng mga variables ko. Pagkatapos nun namatay na ko sa harap nila. Hindi na nasundan ang mga pangyayari dahil nagising na ako na pinagpapawisan ng malamig at naghahabol ng hininga. Ito na ang pinakamasamang bangungot sa buhay ko.
Kaya ngayon isasara ko na si firefox at idi-disable ang connection. Tatapusin ko na ang powerpoint ko para ang maitatanong na lang nila sa akin ay ang definition ng Nonprofit Organizations... HELP!
Pogssz
2:50 PM |
Thursday, March 13, 2008
Some Random Thoughts
Randomness, this is going nowhere, pagpasensiyahan.
6am na, nagising ako ng 5am. Wala naman akong klase ngayon.
Hindi ako makatulog, LITERAL! Hindi talaga ako makatulog.
Maraming bagay ang bumabagabag sa isipan ko ngayon.
At the top of my list-DEFENSE. Nakakuha na ko ng schedule.
Monday is THE day. 10am, right after my speech class, diretso ng defense.
Ginawa ko na yung powerpoint ko, pero hindi ko pa tapos.
Worst thing that could happen? Ulitin ang study mo, o mag defense ka ulit.
Sobrang kinakabahan ako. Three times ko sinubukang matulog, pero wala talaga.
Nagigising ako agad. Pakiramdam ko wala akong karapatan matulog ngayon.
pero pagharap ko dito sa computer, wala naman ako masyadong nagagawa.
Sasabog na ulo ko kakaisip ng defense. Matapos lang talaga 'to.
Kulang pa panelists ko. Wala talagang available, if ever, manghihila na lang ako sa monday.
Sana hindi ako iwan ni sir.
Marami pang kailangang gawin bago ako maging sure na makaka-graduate ako...
1. DEFENSE (Monday)
2. PA Final Exam and Paper (Monday)
3. Psycholing Paper (Monday or Tuesday)
4. DS Final Exam (Tomorrow)
5. Speech Final Exam (March 26)
Wala na ko maisip. Ang daming dapat gawin. Saan ako magsisimula.
Nangako akong tatapusin ko yung PPT ko ngayon. Sana nga.
Kailangan ko pa rin ng cue cards.
Anong mangyayari pagkatapos ng graduation.
Plano ko talagang pumasok ng graduate school, pero and advice ni sir Hensy, mag work muna ko. Ayaw ko muna mag-isip nito.
Summer na, saan kaya kami ngayon ng HS friends ko.
March 30! Excited na ko.
Yung tungkol sa mga nangingidnap daw ng bata, hindi daw totoo yun, nabasa ko sa dyaryo.
Pasensiya na kung walang patutunguhan 'tong post na 'to.
One or two more weeks... Hopefully!
Pogssz
7:09 PM |
Saturday, March 08, 2008
Mga Kwentong Barbero
Isang barberya lang ang pinapagupitan naming magkakapatid simula ng mga bata pa kami. Ito yung pagupitan ni Mang Naldoza sa may tahanan. Kung loyalty lang ang pag-uusapan...
Aba dapat may medal na kami. Sa totoo lang, ayokong nagpapagupit sa mga parlor, ayaw ko kasing hinahawakan ng mga bading yung buhok ko(no offense). Alam ko magaling din sila, pero pakiramdam ko kasi mayamaya kukulayan na nila at kukulutin yung buhok ko. Kaya kahit mainit sa barberya, doon pa rin ako nagpapagupit palagi.
Marami na ring nagbago sa pagupitan ni Mang Naldoza, hindi na mainit ngayon doon, dahil airconditioned na sila. D'Lord's Barber Shop ang pangalan
noon, pero nag-iba na ata ngayon. Ang alam ko rin, patay na si Mang Naldoza (Sumalangit nawa). Iba na rin ang head-barber nila ngayon, at wala na rin yung malalaking rebulto sa loob ng barberya. Pero sa kabila nun, they still offer QUALITY SERVICE sa lahat ng nagnanais na magpatasa sa kanila.
Pagkadating ko pinaupo na ko ni kuya doon sa umiikot ikot na upuan. Hindi niya na rin tinanong kung anong gupit ko, dahil alam niya na yun. Pagkalagay niya nung telang kulay pula, nagsimula na rin siyang magkwento.
Alam mo ba yung tungkol sa gumagalang nangunguha ng bata?
Nyek! talaga meron? Yun man ang gusto kong sabihin, sumagot na lang ako ng hindi. Bigla ko ring naalala ang tungkol sa kwento ni Arra tungkol dun sa psycho-killer. Baka siya na yun, nandito na siya sa Cavite at mga bata na ang bago niyang binibiktima. Hindi natigil dun si kuya, tinanong niya ko kung taga-saan ba ako at kung bakit hindi ko alam yung balita. Sinagot ko lang siya na taga-Teachers' Village ako. Sabi niya takot daw dito yung nangunguha ng bata kaya siguro hindi ko alam. Siguro mas maraming psycho-killer sa 'min kaya siya takot dito. Ano man ang rason niya, totoo man ang kwento ni kuya o hindi, salamat naman at safe kami kahit papaano dahil ayaw niya sa lugar namin.
Hindi pa natapos doon. Mayamaya pa, may isang manong na nagbukas ng radyo, at nilagay sa estasyon kung saan sumusulat ang mga sawi sa pag-ibig.
Ang letter sender po natin ngayon ay isang byuda... IGNORE! Nagpipigil na ako ng tawa at this point.
Pero baka masira ang gupit ko kaya tahimik lang ako. At ayun na, sinimulan nang patugtugin ang kanta para dun sa byuda...
When the visions around you, when tears are in your eyes... Hala... Ito na ang barbero ko ay naging concert king na at sinimulan na akong kantahan ng sarili niyang version nung kanta... When the visions around you, when SMOKE gets in you eyes!
Nag-iba na ang kanta... At tawang tawa na ako... Masakit na rin ang ulo ko, pero hawak niya na yung pang-ahit. Natakot naman akong baka dumanak ang dugo kaya nagpanggap na lang akong wala akong naririnig... Pero humirit pa si kuya...
Pag may banda ka no?
Kantahin mo yan...
Siguradong hahabulin ka ng mga babae...
Ayun na... may mga frustrations pa pala si kuya. Thankfully nung panahon na yun, patapos na yung gupit ko, kaya makakatakas na ko sa katatawanang pinagsasabi ni kuya. Pagkatapos niyang gamitin yung steel brush para suklayan ako, lagyan ng isang kilong powder yung mukha at leeg ko, at walisin ng walis-tambo yung buhok sa leeg ko, may libreng sandaling masahe pa sa balikat, ayun kumaripas na ko na takbo para makalayo at makatawa na.
Masaya talagang nagpapagupit sa barberyang dating kay Mang Naldoza... Marami kang matututunan...
SA NGAYON, NAGHAHANAP NA AKO NG KABANDANG TUTUGTOG NG THIS I PROMISE YOU KASAMA KO... Syempre ako yung bokalista...
May nakita rin akong picture ng wanted sa labas ng village, siguro siya na yung tinutukoy nung barbero ko... kung hindi niya ko binarbero lang.
Pogssz
6:38 PM |