Wednesday, December 13, 2006
The feeling of being discriminated... (sad face)
Yesterday, after ng Stat Class namin, nag-gcgchan na naman kami at pumunta sa National Library. Siguro alam naman ng marami sa inyo na madalas talaga akong pumasok nang naka-slippers, or naka-shorts, or sometimes, both. Ano ba namang problema dun? I just don't get the point of dressing-up for school. Will it make you a better listener, or is it easier to understand your lessons if you're wearing nice clothes, or in short, will it make you a better student?
Getting back to my kwento, after eating and consulting a book called
Book of Answers, pumunta na kaming Nat'l Library, not Nat'l Bookstore. OK?! Sa entrance may naka-post dun na yung mga naka-sleeveless bawal pumasok. Wow! hindi naman ako naka-sleeveless, so puwede na akong pumasok. Pero, hindi natapos dun. Bawal ding pumasok dun ang naka-shorts. Oh No! Naka shorts ako. Kung bakit ba naman ngyon ko pa naisipang mag-shorts? Akala ko pwede na akong makapasok, isang violation lang naman eh, but wait there's more pa pala. Ang last item dun, Bawal din ang naka-RUBBER slippers. Take note, RUBBER slippers. Ang galing-galing ko talaga. I violated rule # 2 & 3. Hindi na ako nag-expect na makakapasok pa ako. Alam ko namang ginagawa lang nila manong guard yung job nila. Pero, kung ako lang yung balahurang tipo ng tao, eh patay talaga sila manong sa akin. Pero, wish nga ng mga friends ko na magka finesse ako, and this is the perfect time to show some. So, umupo na lang ako sa labas habang naka-tingin sa kawalan
Pinapasok din kami nila manong guard, pero hanggang first floor lang, para magpagawa ng Library card. Pero thanks to ATE ANNA (ayan ate, naka-all caps pa yung name mo), dahil hinayaan niya akong mag-research kahit mukha akong magsasaka with my outfit. Kaya, masaya na ulit ako. At dahil nasa library kami, ang una naming pinuntahan ay yung canteen nila. Wahahaha! Dun kasi kami nag-plan for our resumé at ng mga things-to-do namin for this christmas vaccation. Pagkatapos nun, nag-research na kami. After that, umuwi na rin kami.
Kailangan ko lang talagang ilabas 'tong feeling na 'to. I just didn't like the feeling of being discriminated, that you are being judged based on what you're wearing, or that equality has no place on earth. (mush.mush.mush) Isa siguro sa mga paniniwala ko yung pag-ignore sa mga people around me, as long as I'm comfortable and confident of myself. You can never make me wear something I don't like. Quit it! I don't care of what the people around me think. Who gives a d***. Hahahaha! Bitter talaga ako? Basta I will still wear my rubber slippers even I look like a magsasaka or a construction worker, I will continue to wear my shorts even people disagree on it, I will continue be myself, regardless of what the people around me think. I just don't care.
Pogssz
3:38 PM |
Monday, December 04, 2006
No more Kaching-Kaching... $_$
Definition of terms:
Kaching-Kaching = sound of coins
...............................= kapag nasilaw ang isang tao sa pera, maririnig niya ang tunog na ito
Today, pumunta kami sa Ortigas para umattend ng isa ng orientation (
kuno). Ako, si Lau, si Kawichi, at yung friend nila na si Ronnie na doon na raw nagwowork. Pumunta kami dun with the dollar sign sa aming mga mata, as in parang ganito ---> $_$, pero umuwi kami ng luhaan. Wahahahaha!
Ang sabi sa amin, parang call center daw yung nature ng work, 12 hours a day, flexi-time pa raw, at higit sa lahat, P10,000 ang sweldo. Talagang nag kaching-kaching ang aming mga mata nung narinig namin 'to. Not bad. Aba! P10,000, tapos kami pa pipili ng sched, GO NA! Kaya pumunta nga kami kanina.
Nag-meet kami sa powerbooks sa Megamall. Kaunting lakad na lang papunta dun sa building. Sa tuktok ng building, nakalagay yung TELEPERFORMANCE. Wow! Call canter nga. Pero hindi pala! Sinalubong kami ng isang girl from UST daw siya st Psych major. Hindi ko maalala yung name niya kaya tawagin na lang natin siyang
Rich Kid. Bakit Rich Kid? Ganito kasi 'yan. Pag dating namin, sabi niya we look young daw, mukha naman daw hindi namin kailangan ng pera, blah-blah-blah... at mukha daw kaming RICH KID. May dumating na mag-oorientation din, at sinabi niya rin yung mga sinabi niya sa amin. Kaya nalaman na lang namin na naka-TEMPLATE pala lahat ng sinasabi niya.
Basta natapos na yung orientation (kuno). To make the long story short, hindi pala call center yun. Ang tawag sa company, PHARMANEX, at hindi pala kami sasagot ng telepono or whatever, kundi MAGBEBENTA! Oo mag-bebenta kami, yung parang AVON, Sara Lee, Natasha, Board Walk, Tinapa, Taho, Bote, Diyaryo at kung ano-ano pa. Kunwari pang Distributor yung term, pero ang totoo, magbebenta lang kami ng kung ano-anong gamot, supplements, vitamins, at ng isang BIOPHOTONIC Scanner. Para masimulan yung training, kailangan lang naman magbayad ng P12,600. Ano kami? Mayaman?! Hala! Dito na talaga kami nag-backout. Please lang! San namin kukunin yun. Mamatay muna sila. Pagkatapos nun umuwi na lang kami, at binura na namin sa isipan namin ang pag-asang mag Kaching-Kaching pa!
Lesson Learned:
Wala na talagang easy money ngayon! Kung gusto mong mag Kaching-Kaching, pagpawisan mo, kailangan dumanak muna ang dugo. Siguro, sa susunod na kami mag-tatrabaho. Mag-aaral muna kami ngayon. Thesis muna, tapos Graduation, at tapos nun dun na kami magtatrabaho. Hahaha! Bye-Bye Kaching-Kaching na talaga. See You soon. Makakamit ka rin namin someday! 'Wag ka lang maiinip dahil malapit na!
Pogssz
11:09 PM |
Saturday, December 02, 2006
My Dangwa Adventure!
Sige na, isa na akong probinsyanong first-time na nakapunta ng dangwa at kailangan ko talaga siyang i-kwento dito sa aking blog.
Kahapon kasi, pumunta kami ni Camille sa Dangwa (kung ganito nga ang spelling niya) para bumili ng bulaklak(ano pa ba?!) para sa church. Una kaming sinalubong ng isang aleng nagtatanong kung magpapa-arrange daw kami ng bulaklak, deadma lang kami at nagpatuloy sa paglalakad. Akala ko sobrang laki ng Dangwa, na isang lugar siya na puro bulaklak lang ang makikita mo, na maaamoy mo ang mababangnong flowers habang naglalakad ka- pero hindi masyadong ganun sa Dangwa. Parang tatlong maliliit na eskinita lang siya na maraming stall na nagtitinda ng bulaklak at mga dahon.
Akala ko talaga puro bulaklak lang meron sa Dangwa, pero may mga fields of specialization din pala ang bawat stall dun. Yung iba puro rose ang tinda, yung iba assorted naman ang drama, pero ang pinagtatakahan ko, bakit yung iba puro dahon yung tinda? 'Di ba Dangwa- Famous for its flowers?! Pero nabobo ata ako. Sa dangwa, merong mga tindahan ng ribbons para sa flower arrangement, sinamay na may red & gold, foam na d'un daw itinutusok ang mga bulaklak, at syempre, dahon.
Iba-iba rin pala ang klase ng mga bulaklak, pero syempre para sa akin, mukha naman silang pare-pareho. Akalain mong merong medium, large, may XL pa nga daw eh, meron ding long-stem, may-short at kung ano-ano pa. At ikaw, alam mo alam mo ba ang difference ng light pink sa pink, o ng fuschia sa dark pink? Dun talaga kami natagalan. Ako pa kasi yung sinama na color blind naman. Pero eventually, nakabili kami ng 2 dozens ng dark pink na rose(large), light pink na rose(medium), at golden rod. Sa mga tulad kong hindi alam kung ano ang golden rod, hindi po siya bulaklak(or hindi siya mukhang bulaklak), parang tangkay sila na maraming dahon na manilawnilaw.
Ang saya talaga sa Dangwa, ang daming flowers at siyempre, dahon. Ewan ko lang kung gugustuhin ko pang bumalik dun. Medyo nakakapagod kasi dun. Ang dami kong natutunan, pero hindi ko pa rin alam ang pagkakaiba ng light pink sa pink, o ng fuschia sa dark pink na rose. Ng Calla sa Galla. Hahahaha! Basta! Hindi ako dun pupunta mag-isa, baka lokohin ako ng mga tindera, baka hindi na pala bulaklak yung binebenta nila pero tatanggapin ko pa rin. Ano ba namang alam ko sa mga bulaklak? Eh mukha naman silang pare-pareho!
Pogssz
4:40 AM |
Friday, December 01, 2006
Zzzzzz....
Thanks to Reming I got stucked here in our house with nothing to do! Anyway, thanks to her (or him) I was able to sleep for more than eight hours. Wala na talaga akong magawa, wala na rin akong masulat, wala na rin akong ganang mabuhay sa mundo... (Mushy!)
Ngayon kami dapat pupuntang Ortigas for a job interview, or orientation, or whatever, kaso thanks to reming nandito ako ngayon sa bahay at na-bubwisit na dahil si shane at lau ay send ng send ng message! 100,000,000,000 na yata yung na-sesend nila. Full na yung inbox ko.. (teka, ayan na naman sila!) Pero ok na rin yun kaysa kausapin ko yung sarili ko.
Sige, wala na talaga akong masabi... Shane, kung nababasa mo 'to, stop na ha! You know what I mean. Lau, makikita mo rin siya bukas for sure!
Go TRIPOD! Kaching - Kaching!!! $_$
Pogssz
3:05 PM |