Tuesday, January 23, 2007
Left with nothing to say...
Flooded by a rash of diversed emotions
But still, left with nothing else to say
Consumed by a rumble of nothingness and fullness
One who is left with nothing else to say
Heart's Bruised, Emotions oppressed
For there's nothing else to say
The fears of rejection, the joys of excitement
Leaves you with nothing else to say
What else can one do?
When nothing else is left for him to say?
.........................................................
...Are we really left with nothing else to say?
...Or is it a choice of saying nothing at all?
Pogssz
12:30 AM |
Monday, January 08, 2007
Hold-upped!
Wow! Happy new year sa lahat ng nagbabasa ng blog ko! (as if meron diba?)
Karamihan sa mga nag-bblog na kilala ko meron ng new year's special na entries for their blogs; I will not have any. Magkukwento lang ako ng worst experience ko for this year... so far!
Yes! It's true, at this early, I have already experienced the worst experience a commuter could have! To be hold-upped, to hear that gun-shot, and to hear them say, "Hold-up 'to!"
Wow! It was so cinematic! (Sa totoo nga niyan, hinintay kong lumabas si Bong Revilla nung mag-announce ng hold-up.) I was asleep then, because I was not able to get enough sleep the night before. Nagising na lang ako nung may putok ako na narinig. Akala ko, binato yung bus namin or nasira yung makina ng bus. Whe I looked around to see what is happening, I immediately saw a guy wearing his yellow shades who was carrying a gun in his right hand! OK James! You are not shooting a movie or something! Totoo na talagang hold-up 'to. (Pero naghintay pa rin ako na lumabas si Joey de Leon at sabihing nawo-wow mali lang ako!)
My immediate reaction was to pray, that was after I saw one of the hold-uppers get the cellphone of an old guy near me. Kinakapkapan nila lahat ng tao, para makita kung may makukuha silang mapapakinabangan nila. Pagkatapos, ako na yung kailangang kapkapan. Nag-volunteer na akong ibigay yung wallet ko na may lamang iilang daang piso lang naman. Baon ko dapat yun for that day. Pero naitago ko yung phone ko bago ako makapkapan. Saan? Basta! I hid it SOMEWHERE! hahaha!
I continued to pray , pray, and pray. Just when I thought na tapos na ang kapkapan spree nung mga hold-uppers, may second screening pa pala. Wow parang starstruck, para sa final 14 na 'to. Ngayon naman ay si Kuya Yellow, na mas mabait, ang nangapkap. Nakita niya yung coin purse ko. Barya na lang yung laman nun. Nung nakita niya yun, at ang aking pulubi outfit, nahabag ata siya at hindi na kinuha yung barya-barya kong pera. Talagang thankful ako dahil hindi na kinuha ni Kuya yung natitira kong pera.
Bumaba yung mga bad guys sa Pasay Road. Casual lang, parang walang nangyari. Nag-decide yung mga pasahero na mag-report sa pulis. Wala daw bababa, lahat kami kailangan mag-report! Hello! May class pa po ako, kaya bumaba na ako sa may buendia. Ayokong ma-late kat Barry, at gusto kong ipasa yung 105 homework ko na one month in the making ata. Sumakay ako sa may buendia na medyo happy na ri. Masaya ako dahil una, buhay pa ako, at higit sa lahat, may pamasahe pa akong papuntang Faura.
Pagkatapos ng bad experience na yun, may blessing pa rin ako from Lord. May magandang result pala yung imprmptu speech namin! Wuhoo! at least diba? Something to cheer me up naman. Pag-uwi ko, may nanlibre pa sa akin sa McDo'. Thanks nga pala ate jo, kuya alex, ate ellaine, at elaine. Thanks din sa mga friends ko, kahit papaano pinaniwalaan niyo ako. At salamat din sa kaban ng bayan, dahil sa kaniya, naka-uwi pa ako at hindi ko na kinailangang maglakad from Faura to GMA! Wahahaha! Most of all, I thank the Lord for keeping safe while being in that dreadful situation!
Pogssz
8:03 AM |