Thursday, November 30, 2006
Pssst... Hoy... (Duro!)
Wala na akong mukhang ihaharap pagkatapos ng mga nangyari kahapon. P'wedeng mamatay na lang? Wala na akong kahihiyan, puri, dignidad, at kung ano-ano pang mga bagay!
First Kahihiyan: Ito kinayakaya ko pa.
Late na ako for my OrCom155 class kahapon. Mga 20 minutes lang naman ako late. In fainrness, nakasabay ko pa si Reg sa bus. Pagpasok ko sa room parang dedma lang si prof Sumalapao... ay si Gonzaga pala.
Second Kahihiyan: Ito halos natunaw na 'ko!
Sige na, late na nga ako, pero nagawa ko pa rin makipagdaldalan sa klase. Masama bang magtanong sa mga classmate mo? Sa tingin ko hindi, pero nagalit pa rin 'yung prof ko. Dito na nangyasi y'ung Pssst... Hoy... Duro incident. Sinitsitan niya ako... Tinawag pang hoy... Tapos dinuro... Pwede naman y'ung dalawang nauna eh; bakit kailangan pang manduro? Sige na, nakikipagdaldalan na ako. Masama na akong bata. Pero bakit y'ung ibang mga tao, 'pag maingay, hindi niya naman sinisitsitan, tinatawag ng Hoy, at dinuduro. Bakit ako lang? Pagkatapos n'un ang nasabi ko na lang, pwedeng matunaw? Pwede ba? Ok lang?
Third kahihiyan: Pride kept me going... and going... and going...
143! Ito na yung ultimate kahihiyang dinanas ko for the day. Dito ko na talagang ginustong kitlin na lang ang aking buhay, pigilan ang aking hininga, laslasin ang aking pulso, tumalon sa building, dukutin ang aking eyeballs, hilahin ang aking dila, balatan ang sarili ko ng buhay, in short: mamatay! Talagang tinanggap ko nang papahiyain ko yung sarili ko nung tinanggap kong ako yung gagawa ng mga bagay na ginawa ko. Pero pride kept me going, and going. Pero dumating din sa point na naubos yung pride ko, at sobrang napahiya na talaga ako.
Third Kahihiyan.1
Kumanta ng sing a song version ni vic at jose. Kinareer ko na talaga 'to. Pero naman, ang sintunado na talaga! May background music pa kami, pero hindi naman namin nasabayan. Kamusta naman 'yon?
Third Kahihiyan.2
Kumanta ng whatever song from high school musical.'Yung dapat na lip sync ay naging live performance. Nasira pa yung sound system namin. Dito ko na talaga naisipang kitlin na lang ang aking buhay, pigilan ang aking hininga, laslasin ang aking pulso, tumalon sa building, dukutin ang aking eyeballs, hilahin ang aking dila, balatan ang sarili ko ng buhay, in short: mamatay! Buti na lang may mga supportive akong mga friends na walang tigil sa kakahalakhak. Wow! Buti na lang. Talagang pride na lang 'to.
Napag-usapan namin ni Shane kung paano pinapatay ng ibang mga tao yung pride nila para mapakain lang y'ung mga pamilya nila. Parang ganun din ako. Nawalan dignidad dahil sa mga kahihiyang dinanas, pinatay ang pride para sa grade, at mukhang mawawala pa sa mundong ibabaw dahil wala na talaga akong mukhang maihaharap.
Pogssz
8:45 AM |
