Monday, May 12, 2008
Sandamakmak na Paltos at Sugat
Dahil sa bibo kid ako, yan ito ang napala ng kamay ko.
Dahil sira ang letters "el" at "ar" ng keyboard namin, kailangan ng extra effort from my wounded hands sa pagtatayp nito.
Meron ako dapat job interview sa Makati, kaso hindi ako pumunta. Dahil sa malawakang transport strike (na hindi ko alam kung natuoy nga), hindi na ko nag-effort na gumising ng maaga. Noong nakaraang gabi pa lang, nagdesisyon na akong hindi tumuloy. Bahala na!
Nagpa-alarm pa rin ako ng 7am dahil naka-schedule kaming maglinis ng church ngayon. Masaya at maligalig akong nagtungo sa church, maya-maya magbabago na ang mood ko.
Una ko silang nakitang naglalagay ng mga bato sa isang gilid. Dahil nga bibo kid ako, nagdadali-dali akong tumulong. mukha naman kasing madali... nagkakamali pala ako. Pagkatapos namin, napansin kong medyo iba yung itsura nung gawa ko sa gawa nila. May aesthetic value yung sa kanila, yung akin, parang tumpok lang ng mga bato. Kinailangan kong i-retouch yung sa kin para maging kamukha naman nung sa kanila kahit konti.
Pagkatapos nun, nagdesisyon akong mag-iba ng career. Kumuha ako ng kalaykay. Magpapatag na lang pala ako ng lupa, parang mas madali at masaya yun. MULI! Nagkakamali pala ako. Doon ko nakuha ang mga una kong blisters *para sosyal* Naramdaman ko na lang na medyo mahapdi na yung kanang kamay ko. Ayun na nga paltos na nga.
Pagkatapos ng lunch break, nagpalit na ulit ako ng career. Kung kanina landscape architect ako na naging gravedigger, ngayon naman isa akong karpintero. Nag-uumapaw ang kabibohan sa katawan ko, nagpasya akong tulungan si kuya leo sa pagtatayo ng bakod. Sinabi niya linisin ko na lang daw yung kawayan. Akala ko, huhugasan ko yung mga kawayan, yun pala kakailanganin kong kumuha ng itak at kinisin ang mga matatalas na gilid nung mga kawayan. Noong una hindi ko naiintindihan yung ginagawa ko, ga-toothpic na nga lang yung natitira sa kawayan. Noong medyo natutunan ko na at naiintindihan yung ginagawa ko, naging mabilis na ang production at tumaas na rin ang quality.
Noong kinailangan ng maghugas ng kamay, doon ko na nakita at naramdaman ang kabayaran ng sobrang kabibohan! Sandamakmak na Sugat at Paltos. Mahapdi pero medyo bearable naman... akala ko kasi pati yung kamay ko dapat tinataga.
-
-
-
Ang mga sugat at paltos sa aking kamay... parang pag-ibig lang yan...
Hahahaha! Joke lang.
Wala lang, trip ko lang magblog ngayon.
Hindi pa rin nauubos ang kabibohan sa katawan ko.
Pogssz
12:39 PM |
