Saturday, March 15, 2008
Panaginip
2:30am na. Kagigising ko pa lang. Ang sabi ko sa sarili ko, tatapusin ko na yung mga kailangan ko sa defense, para pagpunta ko sa church mamaya, free na ko sa worries. But I can't help myself, last na 'to, tapos isasara ko na 'tong firefox at i-ooff ang internet connection namin.
Nanaginip ako kanina, sa ikli ng tulog ko, I still managed to have two dreams-- Two totallly different dreams, both about my thesis defense.
Yung una kong panaginip ay masayang panaginip. Nagdefense daw ako, ang panel ko si Ma'am Adeva at si Pulumbarit. Pagkatapos ko daw magdefense ang tangi nilang tanong ay:
Mr. Labrador, ano nga ulit ang definition mo ng Nonprofit Organizations?
Siyempre nasagot ko daw. Tapos, OK na yung defense ko. Ni-hug ko daw yung mga friends ko, teary eyed pa and all.
Let's now move on to my second dream. Itong panaginip na ito ang gumising sa akin.
NAGDEFENSE DAW AKO NANG HINDI PREPARED! Walang powerpoint, walang cue cards, walang kahit ano!!! Kinausap ko daw si Sir Henson, nakiki-usap na paunahin na si Dhang dahil hindi talaga ako prepared. Ang mga panelists ko pa daw ay si Adeva at si Salazar. Nagdiscuss daw ako sa harap nila na hawak ko pa yung draft ng thesis ko, na tila nagsasalit ng mga bagay na walang ka-sense sense. Ayaw pa daw ibigay ni Sir yung draft ko kasi yun lang yung copy niya. Pumunta na lang daw ako dun para magkalat. Sa huli natapos din ako mag-explain. Nang magsimula ng magtanong ang mga panelists ko... Naiyak na lang daw ako sa harap nila. Sa huli daw si Ma'am Salazar na ang nagdiscuss ng topic ko. Kumuha siya ng chalk at gumawa ng model na nageexplain ng mga variables ko. Pagkatapos nun namatay na ko sa harap nila. Hindi na nasundan ang mga pangyayari dahil nagising na ako na pinagpapawisan ng malamig at naghahabol ng hininga. Ito na ang pinakamasamang bangungot sa buhay ko.
Kaya ngayon isasara ko na si firefox at idi-disable ang connection. Tatapusin ko na ang powerpoint ko para ang maitatanong na lang nila sa akin ay ang definition ng Nonprofit Organizations... HELP!
Pogssz
2:50 PM |
