Saturday, March 08, 2008
Mga Kwentong Barbero
Isang barberya lang ang pinapagupitan naming magkakapatid simula ng mga bata pa kami. Ito yung pagupitan ni Mang Naldoza sa may tahanan. Kung loyalty lang ang pag-uusapan...
Aba dapat may medal na kami. Sa totoo lang, ayokong nagpapagupit sa mga parlor, ayaw ko kasing hinahawakan ng mga bading yung buhok ko(no offense). Alam ko magaling din sila, pero pakiramdam ko kasi mayamaya kukulayan na nila at kukulutin yung buhok ko. Kaya kahit mainit sa barberya, doon pa rin ako nagpapagupit palagi.
Marami na ring nagbago sa pagupitan ni Mang Naldoza, hindi na mainit ngayon doon, dahil airconditioned na sila. D'Lord's Barber Shop ang pangalan
noon, pero nag-iba na ata ngayon. Ang alam ko rin, patay na si Mang Naldoza (Sumalangit nawa). Iba na rin ang head-barber nila ngayon, at wala na rin yung malalaking rebulto sa loob ng barberya. Pero sa kabila nun, they still offer QUALITY SERVICE sa lahat ng nagnanais na magpatasa sa kanila.
Pagkadating ko pinaupo na ko ni kuya doon sa umiikot ikot na upuan. Hindi niya na rin tinanong kung anong gupit ko, dahil alam niya na yun. Pagkalagay niya nung telang kulay pula, nagsimula na rin siyang magkwento.
Alam mo ba yung tungkol sa gumagalang nangunguha ng bata?
Nyek! talaga meron? Yun man ang gusto kong sabihin, sumagot na lang ako ng hindi. Bigla ko ring naalala ang tungkol sa kwento ni Arra tungkol dun sa psycho-killer. Baka siya na yun, nandito na siya sa Cavite at mga bata na ang bago niyang binibiktima. Hindi natigil dun si kuya, tinanong niya ko kung taga-saan ba ako at kung bakit hindi ko alam yung balita. Sinagot ko lang siya na taga-Teachers' Village ako. Sabi niya takot daw dito yung nangunguha ng bata kaya siguro hindi ko alam. Siguro mas maraming psycho-killer sa 'min kaya siya takot dito. Ano man ang rason niya, totoo man ang kwento ni kuya o hindi, salamat naman at safe kami kahit papaano dahil ayaw niya sa lugar namin.
Hindi pa natapos doon. Mayamaya pa, may isang manong na nagbukas ng radyo, at nilagay sa estasyon kung saan sumusulat ang mga sawi sa pag-ibig.
Ang letter sender po natin ngayon ay isang byuda... IGNORE! Nagpipigil na ako ng tawa at this point.
Pero baka masira ang gupit ko kaya tahimik lang ako. At ayun na, sinimulan nang patugtugin ang kanta para dun sa byuda...
When the visions around you, when tears are in your eyes... Hala... Ito na ang barbero ko ay naging concert king na at sinimulan na akong kantahan ng sarili niyang version nung kanta... When the visions around you, when SMOKE gets in you eyes!
Nag-iba na ang kanta... At tawang tawa na ako... Masakit na rin ang ulo ko, pero hawak niya na yung pang-ahit. Natakot naman akong baka dumanak ang dugo kaya nagpanggap na lang akong wala akong naririnig... Pero humirit pa si kuya...
Pag may banda ka no?
Kantahin mo yan...
Siguradong hahabulin ka ng mga babae...
Ayun na... may mga frustrations pa pala si kuya. Thankfully nung panahon na yun, patapos na yung gupit ko, kaya makakatakas na ko sa katatawanang pinagsasabi ni kuya. Pagkatapos niyang gamitin yung steel brush para suklayan ako, lagyan ng isang kilong powder yung mukha at leeg ko, at walisin ng walis-tambo yung buhok sa leeg ko, may libreng sandaling masahe pa sa balikat, ayun kumaripas na ko na takbo para makalayo at makatawa na.
Masaya talagang nagpapagupit sa barberyang dating kay Mang Naldoza... Marami kang matututunan...
SA NGAYON, NAGHAHANAP NA AKO NG KABANDANG TUTUGTOG NG THIS I PROMISE YOU KASAMA KO... Syempre ako yung bokalista...
May nakita rin akong picture ng wanted sa labas ng village, siguro siya na yung tinutukoy nung barbero ko... kung hindi niya ko binarbero lang.
Pogssz
6:38 PM |
