Saturday, December 02, 2006
My Dangwa Adventure!
Sige na, isa na akong probinsyanong first-time na nakapunta ng dangwa at kailangan ko talaga siyang i-kwento dito sa aking blog.
Kahapon kasi, pumunta kami ni Camille sa Dangwa (kung ganito nga ang spelling niya) para bumili ng bulaklak(ano pa ba?!) para sa church. Una kaming sinalubong ng isang aleng nagtatanong kung magpapa-arrange daw kami ng bulaklak, deadma lang kami at nagpatuloy sa paglalakad. Akala ko sobrang laki ng Dangwa, na isang lugar siya na puro bulaklak lang ang makikita mo, na maaamoy mo ang mababangnong flowers habang naglalakad ka- pero hindi masyadong ganun sa Dangwa. Parang tatlong maliliit na eskinita lang siya na maraming stall na nagtitinda ng bulaklak at mga dahon.
Akala ko talaga puro bulaklak lang meron sa Dangwa, pero may mga fields of specialization din pala ang bawat stall dun. Yung iba puro rose ang tinda, yung iba assorted naman ang drama, pero ang pinagtatakahan ko, bakit yung iba puro dahon yung tinda? 'Di ba Dangwa- Famous for its flowers?! Pero nabobo ata ako. Sa dangwa, merong mga tindahan ng ribbons para sa flower arrangement, sinamay na may red & gold, foam na d'un daw itinutusok ang mga bulaklak, at syempre, dahon.
Iba-iba rin pala ang klase ng mga bulaklak, pero syempre para sa akin, mukha naman silang pare-pareho. Akalain mong merong medium, large, may XL pa nga daw eh, meron ding long-stem, may-short at kung ano-ano pa. At ikaw, alam mo alam mo ba ang difference ng light pink sa pink, o ng fuschia sa dark pink? Dun talaga kami natagalan. Ako pa kasi yung sinama na color blind naman. Pero eventually, nakabili kami ng 2 dozens ng dark pink na rose(large), light pink na rose(medium), at golden rod. Sa mga tulad kong hindi alam kung ano ang golden rod, hindi po siya bulaklak(or hindi siya mukhang bulaklak), parang tangkay sila na maraming dahon na manilawnilaw.
Ang saya talaga sa Dangwa, ang daming flowers at siyempre, dahon. Ewan ko lang kung gugustuhin ko pang bumalik dun. Medyo nakakapagod kasi dun. Ang dami kong natutunan, pero hindi ko pa rin alam ang pagkakaiba ng light pink sa pink, o ng fuschia sa dark pink na rose. Ng Calla sa Galla. Hahahaha! Basta! Hindi ako dun pupunta mag-isa, baka lokohin ako ng mga tindera, baka hindi na pala bulaklak yung binebenta nila pero tatanggapin ko pa rin. Ano ba namang alam ko sa mga bulaklak? Eh mukha naman silang pare-pareho!
Pogssz
4:40 AM |
