Sunday, November 26, 2006
Ok lang magmura?! Pero hindi ko gagawin yun... (for now)
"Ilayo niyo sa akin 'yang kutsilyo na 'yan, dahil baka magdilim ang paningin ko at dumanak and dugo maya-maya!" Iyan mismo ang tumatakbo sa isip ko kagabi habang naghuhugas ng plato, pagkatapos akong pagmukhaing tanga sa harap ng computer! Nagparaya na nga ako, hindi na nga ako nakisingit sa computer buong araw, pati nung sabado. Pwede kahit ngayon lang?!
Siguro nagtataka na kayo kung ano 'tong pinagsasabi ko? Sige eto na, ikukwento ko na lang...
Kagabi, bago kumain, sumingit muna ako sa kapatid ko dito sa computer. Ok lang naman siguro kasi saglit lang... Pero yung saglit na inakala ko, inabot ng halos kalahating oras. Maikli lang yun? Kalahating oras ako sa yahoomail, pero 3 mail ko pa lang ang nababasa ko!!! OO tatlo! Sa sobrang bagal ng computer namin dahil sa milyones na virus, worms, trojans, spywares, adwares, at kung ano ano pang makapagpapabagal ng computer namin, TATLO LANG ANG NABASA KONG MAIL KO! Feeling ko ang saya saya ng mga kapatid ko pag nakakadownload sila ng mga virus.
Kapatid X: Wow! bagong reformat na naman yung computer namin... ay wala pang virus?! saglit lang... magdo-download na 'ko!
... after mag download...
Kapatid X: Wow! Ayan may virus ka na! Salamat naman...
Si kapatid Y naman...
Kapatid Y: Hoy Kapatid X! Bakit ka nagdownload ng virus? Kailangan dagdagan pa yan ng worms, time bombs, spywares, at adwares! Sige, ako na bahala!
... after a while...
Kapatid Y: Wow! Ayan na! Ang bagal na ng computer natin! Happy na naman tayo niyan!Balik tayo sa kuwento ko... Sa sobrang asar ko, 'sumuko na ko! Sabi ko, "AYAW KO NA!" kaya naghugas na lang ako ng plato. Maya maya, sabi ng tatay ko, "Hoy james, eto na oh, ang bilis na ng computer!" Oo! Hinintay lang nilang maasar ako, tapos ginawa na ng kapatid ko yung hocus-pocus niya kaya bumilis na yung computer...
Hindi ba pwedeng tulungan nila ako habang nahihirapan ako dun sa harap ng computer? Hay nako! Asa pa ako! Bahala sila! Pag ako gumanti, sisiguraduhin kong wala silang magagawa para maayos 'tong computer! Sa sobrang tindi ng mga virus, worms, trojans, spywares, at adwares na ilalagay ko sa computer, ang magagawa lang nila para maayos 'to eh ---WALA! Wahahahaha! Maghintay lang sila... Pero Bad yun! Kaya pag-iisipan ko muna... Bibigyan ko sila ng second chance... More or Less...
Pogssz
1:40 PM |
