Wednesday, November 29, 2006
Hindi ako naniniwala sa luck, pero goodluck na rin...
Naku, mamaya na yung subject namin kay vaquer, at talagang halos lahat ng grupo nangangareer na!
Kung bakit ba naman nag galing-galingan ako at nagvolunteer akong aralin yung song na Breaking Free from High School Musical. (James, Bass ka ha?!) Hay naku! Pagka-taas taas naman nung kanta, at ang mga pag-iinarte nung lalaki- wala sa personality ko. So pa'no ba 'yan guys?! Good luck na lang talaga sa 'kin. Pero, sabi ni Grace, pwede naman daw na lip synch na lang... Wuhoo! Salamat naman. Kasi dudugo na yung ngala-ngala ko, pero hindi ko pa rin maaabot yung song! Dinownload ko na rin pala yung mga iba naming kailangan na background music. Sana lang mag-work sila!
Eto pa pala. Aba naman, binasa ko yung mga dati kong posts, at ang BOBO! Sobra! Alam mo 'yon? Mali-mali 'yong mga punctuation marks, ang daming grammatical & typograpical errors. Minsan nga hindi ko malaman kung may sense ba talaga yung sinasabi ko. Good luck ulit sa writing skills ko.
Bahala na. I think, this will be another long day for me. I also have to attend the rehersal today! So pa'no ba 'yan? Good luck na lang talaga sa 'kin...
Kahit hindi ako naniniwala sa luck...
Pogssz
5:30 AM |
