Monday, November 27, 2006
Government Warning: Cigarette Smoking is Dangerous to Your Health
Kung titignan mo siguro y'ung baga ko, kung hindi siya kasing sama ng baga ng isang sunog baga, baka higit pa dun!Habang nasa bus ako kanina papunta sa school, napadungaw ako sa bintana at nakakita ng isang manong na naninigarilyo. Oo nga, normal lang yun. Marami naman talagang manong na naninigarilyo kang makikita 'pag tumingin ka sa bintana ng isang bus. Pero, 'tong manong na 'to, halos mamatay na sa kakaubo. Halos ilabas niya na yung lungs niya, halos sumuka na siya ng dugo, halos mamatay na siya, but he doesn't care. Tuloy pa rin sa paghithit si manong ng usok ng sigarilyo niya!
Ano bang high ang nakukuha ng mga mahilig mag-yosi? Makukuha rin ba nila 'yon pag humithit sila ng usok galing sa tambutso ng isang ten-wheeler truck? O pag humithit sila ng kili-kili ng manong na katabi nila sa bus. Siguro hindi. Kasi kung pwede 'yon, sana marami nang taong bumubuntot sa mga jeep para lang malanghap yung usok nun. O kaya, marami na ring manong ang masayang masaya dahil sinisinghot ng isang magandang dalaga na nagtatrabaho sa makati yung kili-kili niya.
Honestly, I have nothing against smokers. Eh yung tatay ko ata kasama sa Top Ten Smokers na inilabas ng Time Magazine last year. Kaso naman, para dun sa mga hindi na kaya, 'WAG NA! Yung tipong nasa list ka na ng bibisitahin ni Kamatayan this Christmas, tuloy ka pa rin. Yung tipong naka-book ka na sa manila memorial park, 'WAG NA.
At kung maninigarilyo ka naman, siguraduhin mong, papasok sa bibig mo yung usok tapos lalabas sa butas ng ilong mo. Ganun kasi ang ginagawa ng mga experts; 'yung mga hindi 'to nagagawa, nagfe-feeling lang 'yon- iyon bang nakiki-ride lang. Hindi yung pabuga-buga ka lang diyan. Kailangan, sa dalawang butas ng ilong mo lalabas yung usok! That's the way experts do it. Aba! Kung sisirain mo lang naman ang baga mo, lubusin mo na. Kung pwede nga, lunukin mo na lang yung usok, tapos, wag mo nang ilalabas forever!
Basta bahala kayo sa buhay niyo. Hindi ko na kayo papakialaman, the same way na hindi niyo ko pinapakialaman. Basta kung magbago isip niyo, at usok na ng tambutso ng mga ten-wheeler trucks ang trip niyo, sabihin niyo lang sa akin.
Pogssz
7:00 AM |
